Nangangamba na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Thailand kung saan naitala na ang unang kaso ng MERS-CoV.
Tiniyak naman ng mga OFW na dodoblehin nila ang kanilang pag-iingat at iwasan ang mga lugar na dinadagsa ng mga tao at posibleng panggalingan ng naturang sakit.
Sinabi pa ng mga OFW na handa naman silang sumunod sa mga abiso ng health officials sa Thailand para hindi magkaroon ng MERS-CoV.
Una nang kinumpirma ng Thai Public Health Ministry na isang lalaki ang nag positibo ng MERS-CoV sa kanilang bansa matapos itong manggaling sa Middle East nitong nakalipas na June 15.
By Judith Larino