Obligadong sumailalim sa rapid testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19 ) ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW)’s na uuwi sa bansa.
Binigyang diin ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) base na rin sa department memorandum 2020-0180 ng Department of Health (DOH).
Ang mga Sea-based Pinoy workers naman na mula sa cruis ships at naisyuhan na ng clean bill of health ng Bureau of Quarantine at mayruon nang certificate of completion ng kanilang 14-day quarantine mula sa pinagmulang bansa ay hindi na kailangang sumailalim sa rapid antibody testing.
Maliban sa mandatory testing iiral pa rin ang mandatory 14-day facility based quarantine sa mga umuuwing OFW.