Kinumpirma ng singer na si Ogie Alcasid na siya ay nagpositibo sa COVID-19 matapos ang dalawa’t kalahating taon na lockdown.
Sa Instagram post, sinabi ni Ogie na siya ay nakararanas ng sintomas ng nakakahawang sakit kabilang na ang pangangati ng lalamunan at pamamalat ng boses.
Ibinahagi din ni Ogie ang kaniyang mga larawan at hakbang para labanan ang virus at mapalakas ang kaniyang resistensiya.
Nanawagan naman sa publiko ang Singer na maging maingat at protektahan ang sarili dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19.
Sa ngayon, naka-isolate si Ogie at patuloy na nagpapagaling laban sa naturang sakit.