Umakyat na sa 450 hanggang 480 calls kada araw ang average na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC).
Ipinabatid ito ni Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega, sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Tinawag na de javu ni Vega ang nangyayari ngayon sa naranasan ng bansa sa huling bugso nitong mga buwan ng Marso at Abril.
Ayon kay Vega, napansin nila ang pag-akyat ng bilang ng mga tawag sa OHCC partikular nitong nakalipas na Agosto 13 kung saan nasa 513 calls ang natanggap nila at maayos naman nilang napangasiwaan.
Gayunman, sa nakalipas na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sinabi ni Vega na mayroon nang higit na kapasidad ang referral system para sa healthcare services na tumanggap ng mas marami o anumang dagsa ng mga tawag mula sa mga kaanak ng COVID-19 patients na kailangang magpa-admit sa mga ospital.