Itinalaga ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Immigrations Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas bilang Officer in Charge Deputy Commissioner.
Pinalitan ni Mariñas si dating Deputy Commissioner Atty. Aimee Torrecampo-Neri na nagbitiw sa pwesto dahil sa mga personal na dahilan, dalawang linggo na nakararaan.
Mananatili namang miyembro ng Immigration Board of Commissioner si Mariñas hangga’t wala pang permanenteng itinatalagang Deputy Commissioner ang Malakanyang.
Si Mariñas ay 15 taon nang naninilbihan sa Bureau of Immigration at naging pinuno ng Port Operations Division simula noong July 2016.