Isa na namang opisyal ng ahensya ng gobyerno sa katauhan ni Bureau of Animal Industry (BAI) OIC Director Paul Limson ang nakatikim ng sermon mula kay Senador Cynthia Villar.
Ito’y matapos lumabas sa pagdinig ng Committee on Agriculture na pinamumunuan ng senador na pinayagan pa rin ang pag-i-import ng baboy noong mga nakaraang taon kahit sapat naman ang local supply.
Iginiit ng mambabatas na ngayon lang niya nalaman na pinapayagan pala ang pag-iimport ng livestock kahit pa may sapat namang supply at kayang ibigay ang demand ng merkado.
Ayon pa kay Villar, ang pag-iimport lalo ng karneng baboy kahit may sapat na production ay simula pa noong 2020 nangyayari.
Bagaman nanggigil ang Senadora sa Bureau of Animal Industry, kailangan anyang may pangmatagalang plano para hindi na magkulang ang supply.