Pinaglalabas ng ebidensya ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang mga kumpanya ng langis hinggil sa mas mahal na presyuhan nito na nasa kanilang imbentaryo.
Sinabi ni Salceda na malinaw na profiteering na maituturing kapag napatunayang murang langis pa ang ibinenta ng oil companies nang sila ay nagpatupad ng bigtime oil price hike.
Iginiit ni Salceda na bumabalik na sa normal ang presyuhan ng langis sa international market.
Kinuwestyon din ni Salceda ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) sa anunsyong posibleng suspindihin ang excise tax na lalo lamang aniyang nakakadagdag sa pagpa-panic matapos ang drone attack sa oil facility sa Saudi Arabia.
Ginagawa naman aniya ng gobyerno ang lahat ng paraan na mapanatiling sapat ang supply ng langis at matatag ang presyo ng petrolyo sa bansa.