Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at Israeli firm na Ratio Petroleum sa isang oil exploration deal na sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang kasunduan ay isasailalim sa fifth round ng Philippine Energy Contracting Round Circular (PECR-5).
Saklaw ng exploration deal ang mahigit apatnaraan libong ektaryang “area 4” sa silangang bahagi ng Palawan.
Bukod sa Israeli firm, pasado rin ang local company na Colossal Petroleum sa qualifying stage para sa PECR-5.
Layunin ng proyekto na makahanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis bago maubos ang supply ng Malampaya natural gas field sa taong 2029.