Kumpiyansa ang Malakanyang na walang nilabag na batas ang nilagdaang oil exploration deal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Israel.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, naniniwala ang pamahalaan na hindi ipinagbabawal ng konstitusyon ang ganitong uri ng kasunduan.
Ngunit hindi inaalis ng tagapagsalita ng pangulo ang posibilidad na may mga kritiko ng administrasyon na kumwestyon nito sa Korte Suprema.
Matatandaang noong 2005 hanggang 2008, kinwestyun din sa Supreme Court ang nilagdaang kasunduan ni dating pang. Gloria Arroyo para sa isang joint marine seismic katuwang ang bansang Vietnam at China.
Base isinasaad ng Saligang Batas, maari lamang na maging legal ang isang joint exploration kapag nasunod ang 60-40 na hatian na nangangahulugang 60% ang para sa Pilipinas at 40% naman sa dayuhang bansa.