Ikinatuwa ng China ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Zhao Li Jian, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, ang hakbang ng Pangulo ay isang positive development sa dalawang panig.
Dagdag pa ni Zhao, naglatag na rin ng mga konsultasyon at pakikipag-ugnayan ang dalawang bansa hinggil sa isyu.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) na ipagpatuloy ang ginagawang exploration sa West Philippine Sea.
Kasunod nito, inilabas ng DOE ang isang kautusang ‘resume to work’ sa contractor nito para sa pagpapatuloy ng naturang proyekto.