Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-alis ng ban para sa oil at gas exploration sa West Philippine Sea.
Ito’y kasunod na rin ng naging rekumendasyon ni Department of Energy Sec. Alfonso Cusi sa Pangulo bunsod ng unti-unting pagsasara ng Malampaya gas facility.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon nang napiling contractor para pangunahan ang nasabing oil at gas exploration at inaasahang nagsimula na ito sa ngayong linggo.
Inaasahan na itutuloy ngayon ang paghahanap ng langis, natural gas dyan sa West Philippine Sea. Meron tayong isang service contructor ngayon at inaasahan natin itong service contractor na ito Forum Limited, atsaka PXP Energy Corporation ay magtutuloy ng kanilang mga gawain at aktibidades dito dyan sa West Philippine Sea,” ani Roque.
Pagtitiyak pa ng Palasyo, hindi makaaapekto ang joint venture na ito ng China at Pilipinas sa kabila naman ng sigalot hinggil sa agawan ng territoryo sa nasabing karagatan.
Ang sabi nga ni Secretary, ‘the oasis of peace of Philippine department of foreign affair and the Chinese military of foreign affair in vision must also be in oasis of prosperity, for this to happen the Philippines must be started the economy using the engine resiliency and security,” ani Roque.