Asahan na bukas ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, maglalaro sa 40 hanggang 50 sentimos ang inaasahang rollback sa diesel.
60 hanggang 90 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina at 50 hanggang 90 sentimos sa kerosene o gaas.
Ito na ang huling price adjustment sa petrolyo ngayong taon.
Nakatakda namang i-anunsyo ng mga kumpanya ng langis ngayong araw ang eksaktong magiging galaw ng kanilang presyo.