Nagpatupad ng oil price adjustment ngayong araw ang mga kumpaniya ng langis.
Piso at pitumpu’t limang (P1.75) sentimos ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.10 sentimos naman ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Epektibo alas-12:01 ng madaling araw nagpatupad ng price adjustment ang mga kumpaniyang Petron at Flying V.
Habang alas-6:00 naman ngayong umaga sumunod ang mga kumpaniyang Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum, PTT at Total.
Mayroon namang P1.20 sentimos naman ang ibabawas sa kada litro ng kerosene ang mga kumpaniyang Petron, Shell, Flying V at Seaoil.
Una nang nagpatupad ng price adjustment ang kumpaniyang Eastern Petroleum alas-6:00 kagabi.
Batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE), naglalaro sa P22.50 hanggang P25.90 pesos ang kada litro ng diesel habang nasa P33.70 hanggang P41.15 pesos naman ang presyo ng gasolina.
By Jaymark Dagala