Muling inilarga ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Flying V ang dagdag P0.20 sa kada litro ng gasolina, P0.10 na tapyas naman sa diesel at P0.15 sa kerosene.
Ala-6:00 naman ngayong umaga ipinatupad ng Chevron, Seaoil, Petron at Shell ang kahalintulad na price increase sa gasolina at rollback sa diesel at kerosene.
Nagpatupad din ang Jetti, Uni-Oil at Phoenix ng kahalintulad na price adjustment maliban sa kerosene.
By Drew Nacino