Posibleng magpatupad ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Base sa ulat mula sa industriya ng langis, aabot sa 10 sentimo hanggang 20 sentimo ang mababawas sa kada litro ng gasolina.
Habang matatapyasan naman ng 40 sentimo hanggang limampung sentimo ang ang kada litro ng diesel o krudo.
Inaasaan namang 50 centavos hanggang 60 centavos ang itataas ng kada litro ng kerosen.
Epektibong ipatututupad ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng martes ng susunod na linggo.