Aarangkada na ngayong araw ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Nabatid na aabot sa 0.50 hanggang 0.70 centavos ang taas-singil sa kada litro ng gasolina at diesel habang 0.60 – 0.70 centavos naman sa kerosene.
Kabilang sa mga kumpaniyang magtataas ng singil sa presyo ng langis ay ang Sea Oil, Pilipinas Shell, Caltex, Petro Gazz at Cleanfuel.
Samantala, sa kabila naman ng dagdag-presyo nito, ipinagpaliban ng kumpaniyang Phoenix Petroleum, ang pagtataas ng presyo sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.
Sa ngayon, ito na ang ikalawang linggong taas-presyo sa produktong petrolyo ilang araw bago kapaskohan. —sa panulat ni Angelica Doctolero