Bagama’t nakalabas na ng bansa ang Bagyong Ompong, oil price hike naman ang hahagupit sa mga motorista sa susunod na linggo.
Ayon sa mga source mula sa industriya, maglalaro mula singkwenta sentimos hanggang anim na pung sentimos ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang sampu hanggang dalawampung sentimos naman sa bawat litro ng diesel.
Papalo naman sa sampu hanggang dalawampung sentimos ang magiging dagdag-singil sa kada litro ng gas o kerosene.
Higit dalawang piso na ang iminahal ng gasolina, diesel, at gas sa loob lamang ng limang linggong magkakasunod na oil price hikes mula noong nakaraang buwan.
Tulad ng inaasahan, ang oil price adjustments ay dulot pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.