Bubungad sa mga motorista sa susunod na linggo ang taas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya, maglalaro sa P0.55 hanggang P0.65 per liter ang dagdag-presyo sa gasolina habang P0.30 naman hanggang P0.40 ang dagdag-presyo sa diesel at kerosene.
Sinasabing tumaas ang demand ng langis sa buong mundo at bumabalik na sa normal ang mga industriyang nagsara dulot ng krisis dahilan upang gumalaw ang presyo ng petrolyo.