Asahan na ang mas mataas na halaga ng produktong petrolyo sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, simula kasi sa January 1, 2020 epektibo na ang ikatlo at final tranche ng excise tax na bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Kumpara sa mga naunang dagdag dahil sa excise tax, mas maliit na ang inaasahang dagdag sa presyo sa mga produktong petrolyo.
P1 ang inaasahang dagdag sa gasolina, P1.50 sa diesel, at P1 naman sa kerosene.
Nagbabala naman ang Department of Energy (DOE) sa mga fuel companies na maari lamang ipatupad ang 3rd tranche ng excise tax sa mga bagong stocks na i-i-import simula sa January 1, 2020.