Asahan sa susunod na linggo ang ika-apat na sunod na linggong oil price hike ngayong taon.
Ayon sa ulat, nagpa-abiso na ang kumpanyang Jetti Petroleum na magpapatupad sila ng .50 hanggang .55 na dagdag presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang .20 hanggang .25 naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina.
Wala pang abiso ang iba pang kumpanya ng langis kung magkano ang kanilang itataas.
Ang naka-ambang oil price hike ay bunsod pa rin umano ng paggalawa ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.