Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang ikatlong sunod na malakihang dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw.
Epektibo ala 6:00 kaninang umaga, piso at bente sentimos ang dagdag sa kada litro gasolina habang nobenta’y singko sentimos naman sa kada litro ng diesel.
Ipinatupad ang nasabing umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanyang Shell, Petron, Sea Oil, Total, PTT Philppines, Unioil, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, Flying V at Petro Gazz.
Habang nagpatupad din ng dagdag na piso sa kada litro ng kanilang ibinebentang kerosene ang mga kumpanyang Shell, Petron at Seaoil.
Tinukoy naman ng Department of Energy ang pagbabawas sa produksyon ng OPEC o Organization of Petroleum Exporting Countries at iba pang bansa sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.