Ilalarga na ngayong araw na ito ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Magpapatupad ng taas-presyo ang kumpanyang Caltex, Shell at Petron ng P1.00 sa kada litro ng gasolina.
Nasa P0.85 kada litro naman ang taas-presyo ng diesel at P0.70 kada litro naman ang dagdag sa kerosene, habang P0.85 naman ang dagdag-singil na ipatutupad ng Unioil sa kanilang Euro 5 diesel at P1.00 sa Euro gasoline.
Nagsimula na ang oil price hike ng kumpanyang Caltex kaninang alas-12 ng hatinggabi.
Samantala, mamayang ala-6 ng umaga magsisimula ang oil price hike ng kumpanyang Shell, PTT Philippines, Petron, Petrogas at Sea Oil. —sa panulat ni Rashid Locsin