Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa unang linggo ng 2023.
Batay sa pagtaya ng mga taga-industriya, posibleng umabot sa P2.50 hanggang P2.80 ang umento sa kada litro ng gasolina.
Maaari namang pumalo sa P2.10 hanggang P2.40 ang dagdag sa kada litro ng diesel.
Habang P2.80 hanggang P3.00 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene.
Samantala, nagpatupad naman ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at auto LPG ang Petron Corporation at Solane.
Epektibo ito simula kahapon, Enero 1, kung saan ipinatupad ng Petron Corp. ang P4.20 na tapyas sa kada kilo ng LPG habang P2.35 naman ang bawas sa kada litro ng auto LPG.
Nagpatupad naman ang solane ng P3.09 na rollback sa kada kilo ng LPG.