Nagpatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, Mayo 17.
Epektibo kaninang hating-gabi, nagpatupad ang Flying-V ng tatlumpung sentimong pagtaas sa kada litro ng Diesel.
Magpapatupad din ng kahalintulad na taas-presyo ang Shell, Phoenix petroleum, Eastern petroleum at total mamayang alas-sais ng umaga.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.
By: MeAnn Tanbio