Taas presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa unang araw ng Agosto.
Singkuwenta (50) sentimos ang dagdag sa kada litro ng diesel, trenta’y singko (35) sentimos sa gasolina habang kuwarenta (40) sentimos naman ang umento sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Unang magpapatupad ng kanilang oil price hike ang kumpaniyang Flying V ganap na 12:00 ng hatinggabi mamaya habang 6:00 naman ng umaga susunod ang mga kumpaniyang Shell, Phoenix at Eastern Petroleum.
Una nang sinabi ng DOE o Department of Energy na nagkaroon ng malakihang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market kaya’t nadamay ang presyuhan nito sa lokal na merkado.