Nagpatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
Nagtaas ng P1.05 kada litro ng diesel habang P0.45 centavos naman kada litro ng gasolina ang Shell, Phoenix, PTT Philippines at Eastern Petroleum Corporation.
Epektibo ang price hike, kaninang alas-6:00 ng umaga.
Tumaas din ng P1.20 ang kada litro ng kerosene ng Shell.
Ayon kay Eastern Petroleum Chairman at Chief Executive Officer Fernando Martinez, ang pagtaas sa presyo ng langis ay bunsod paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
By Jelbert Perdez