Muli na namang magpapatupad ng taas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, Agosto 29.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 sentimos ang umento sa kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P0.15 hanggang P0.20 sentimos ang inaasahang umento sa kada litro ng diesel habang mula P0.20 hanggang P0.30 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ika-limang sunod na linggo na magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpaniya ng langis bagama’t may pagtatapyas sa presyo ng diesel at kerosene ngayong buwan.
By Jaymark Dagala