Sa kabila ng mababang pagtaas sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, hindi pa rin nagpaawat ang mga kumpaniya ng langis.
Ito’y dahil sa kinagat pa rin ng mga oil companies ang P0.10 na itinaas ng presyo ng inaangkat nito sa world market.
Alas-6:00 ngayong umaga, epektibo na ang P0.10 na taas presyo sa gasolina ng mga kumpaniyang Eastern Petroleum, Total, Petron, PTT at Phoenix Petroleum.
Habang wala namang magiging paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene ang mga nabanggit na kumpaniya.
Una rito, nagpatupad din ng kaparehong taas presyo sa gasolina lamang ang kumpaniyang Flying V epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Ngunit may pagtaas din sa presyo ng diesel at kerosene ang kumpaniyang Shell ng P0.10 kada litro.
By Jaymark Dagala