Ikinasa na ng mga kumpanya ng langis ang P0.10 kada litro na dagdag-presyo sa gasolina ngayong araw.
Unang nagpatupad ng price hike ang Flying V at Seaoil Philippines Inc. kaninang alas-12:01 ng madaling araw habang alas-6:00 naman ang PTT Philippines, Petron, Unioil at Phoenix Petroleum.
Nilinaw ng mga oil companies na walang paggalaw sa presyo ng diesel.
Ayon sa Seaoil at Flying V, wala ring price movement sa kanilang kerosene.
Sinasabing ito’y bunsod ng pagtaas ng halaga ng petroleum products sa pandaigdigang pamilihan.
By Jelbert Perdez