Nakatakda nanamang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-7 magkakasunod na linggo.
Epektibo ang oil price increase ng mga kumpanya ng langis sa Martes ng susunod ng linggo, Hunyo 23.
Aabot sa P0.65 hanggang P0.75 ang idadagdag sa prersyo ng kada litro ng diesel at gasolina.
P0.20 naman hanggang P0.30 ang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Inanunsyo naman ng Shell na aabot sa P1.60 ang itataas ng halaga ng kada litro ng kanilang diesel.