Nakaamba na namang sumipa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na Martes, Hunyo 30.
Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, papalo sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang inaasahang dagdag-presyo sa gasoline; habang P0.20 hanggang P0.30 naman bawat litro ng diesel at kerosene.
Sinasabing ito na ang ika-walong sunod na oil price hike matapos luwagan ng gobyerno ang quarantine measures sa iba’t ibang bahagi ng bansa.