Panibago nanamang taas presyo ng produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
Ayon sa industriya ng langis, tinatayang papalo sa P0.40 hanggang P0.50 ang itataas sa kada lirto ng diesel.
Habang aabot naman sa P0.50 hanggang P0.60 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina.
Sa loob ng taong ito, pumapalo na sa kabuuang P8.15 ang itinaas sa kada litro ng krudo samantalang nasa P9.50 naman sa gasolina.