Asahan na ang mahigit P1 dagdag sa presyo ng oil products sa susunod na linggo.
Kasunod na rin ito ng halos 10 linggong sunud-sunod na rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis at nagpababa ng halos P6 sa presyo ng gasolina.
Ayon sa report, sa unang tatlong araw ng bentahan ng langis sa World Market, pumapalo sa P1.75 ang itinaas sa presyo kada litro ng diesel at P1.65 naman sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Tiwala naman ang Department of Energy (DOE) na makakabawi pa ang presyo ng langis sa huling 2 araw ng trading para magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng petrolyo.
By Judith Larino