Nakaamba ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tataas ng P0.75 hanggang P0.85 , habang ang gasolina ay may dagdag-presyo na P0.80 hanggang P0.90 centavos kada litro.
Tataas rin ng P0.75 hanggang P0.85 ang kada litro ng kerosene.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong nagkaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico