Bubungad sa unang linggo ng Bagong Taon ang balik oil price hike.
Inanunsyo na ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Seaoil Philippines Incorporated ang dagdag P.45 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P.30 naman sa halaga ng bawat litro ng diesel at P.40 sa kerosene.
Kaparehong halaga rin ang ipatutupad na increase ng Clean Fuel at Petro Gazz maliban lamang sa kerosene.
Ang dagdag presyo sa oil products ay epektibo bukas, Enero 5, alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-4:01ng hapon pa bukas ipatutupad ng dagdag presyo sa kanilang oil products.
Batay sa pinakahuling data mula sa Department of Energy ang year to date adjustments hanggang nitong nakalipas na Disyembre 22 ay may net decrease na 1.97 kada litro sa gasolina, 5.91 kada litro para sa diesel at 2. 94 kada litro sa kerosene.