Nagbabadya na naman ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina mula P0.30 hanggang P0.60 sa kada litro.
Samantala, nasa P0.65 hanggang P0.90 naman kada litro ang tinatayang dagdag-presyo sa diesel at P0.40 hanggang P0.50 naman sa kada litro ng kerosene.
Paliwanag ng kagawaran, nakaimpluwensiya sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang kawalan ng katiyakan sa suplay sa harap ng umiigting na tensiyon sa Middle East. - sa panulat ni Alyssa Quevedo