Taas presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng bagong taong 2017.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa 40 hanggang 50 sentimos ang umento sa kada litro ng diesel.
Habang nasa 60 hanggang 80 sentimos naman ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng gasolina habang wala namang nakikitang pagtaas sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpaniya ng langis mula nuong Disyembre ng nakalipas na taon.
By: Jaymark Dagala