Umarangkada na ngayong araw ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis.
Tatlumpu’t limang sentimos (P0.35) ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, 65 sentimos sa kada litro ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo alas-12:00 kaninang hatinggabi ang umento ng kumpaniyang Flying V habang alas-6:00 naman ngayong umaga epektibo ang taas presyo ng mga kumpaniyang Shell, Petron, Chevron, Seaoil, PTT, Unioil, Jetti, Clean Fuel at Metro Oil.
Una nang sinabi ng Department of Energy o DOE na dulot ng malikot na presyuhan sa world market ang panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.
—-