Asahan na ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo alas-6 ng umaga bukas, ika-28 ng Abril.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P1.80 kada litro ang magiging tapyas sa presyo ng diesel.
Habang may bawas na P0.20 kada litro sa presyo ng gasolina at P2.15 naman sa kada litro ng kerosene.
Samantala, malungkot na balita naman sa liquified petroleum gas (LPG) dahil sa inaasahang malaking dagdag presyo nito simula ika-1 ng Mayo.
Batay sa ulat, maglalaro sa P3 hanggang P5 kada kilo o katumbas ng P33 hanggang P55 pesos kada 11-kilogram na tangke dagdag sa LPG.