Asahan na ang ikaapat na sunod na linggo ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa pagtaya ng mga source sa industriya ng langis, maglalaro sa P0.50 hanggang P0.70 ang tapyas sa presyo ng bawat litro ng diesel.
Habang P0.25 hanggang P0.40 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Ang panibagong rollback ay bunsod naman ng patuloy na pagbaba sa presyo ng mga imported na langis sa pandaigdigang merkado.
Samantala, una nang nag-anunsyo ng P0.60 kada litro na tapyas sa diesel at P0.30 kada litro na bawas sa gasolina ang kumpanyang Phoenix Petroleum, epektibo ngayong alas-6 ng umaga.