Nakatakdang ilarga ng mga kumpaniya ng langis ang tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo bukas, Hulyo 18.
Ito’y ayon kay Undersecretary Felix Fuentebella, Spokesman ng Department of Energy o DOE ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Batay sa pagtaya ng ahensya, posibleng bumaba ng beinte singko sentimos (P0.25) ang kada litro ng gasolina habang maglalaro naman sa animnapu (P0.60) hanggang pitumpung sentimos (P0.70) naman ang ibaba sa presyo ng diesel at kerosene sa kada litro nito.
Ito na ang unang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong buwan matapos ang dalawang sunod na linggong pagtataas sa presyo ng langis.
Sa kasalukuyan ayon sa DOE, pumapalo na sa P27.35 hanggang P31.46 ang presyo ng diesel habang naglalaro naman sa P38.95 hanggang P51.01 ang presyo ng gasolina sa kada litro.
By Jaymark Dagala
Oil price rollback asahan na ngayong linggo was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882