Magpapatupad na ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, matapos ang ilang linggong oil price increase na kanilang ipinatupad.
Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, sa kanilang pagtaya ay dapat na umabot sa P0.70 hanggang P0.80 ang tapyas sa kada litro ng gasolina simula Hulyo 7 hanggang Hulyo 13.
Habang wala naman umanong dapat na maging paggalaw sa presyo ng kada litro ng diesel.
Inaasahan namang susunod naring mag-aanunsyo ng kanilang oil price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.