Matapos ang walong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, asahan na ang oil price rollback sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy, nasa setentay-singko o 75 centavos ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang nasa singkwentay-singko o 55 centavos naman ang bawas sa kada litro ng diesel.
Habang nubenta o 90 centavos naman ang itatapyas sa kada litro ng kerosene.
Pahayag ng DOE, ipatutupad ang rollback sa Martes, ngunit maari pa itong magbago depende sa magiging resulta ng kalakalan sa pandaigdigang merkado.