Epektibo na ngayong araw ang tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis matapos ang tatlong magkakasunod na linggo ng oil price hike.
Nobenta sentimos ang tapyas sa kada litro ng diesel at kerosene habang 55 sentimos naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.
Ala 6:00 ngayong umaga, epektibo ang rollback ng mga kumpaniyang Shell, Seaoil, Petron, Chevron, Jetti, PTT, Phoenix, Clean Fuel at Eastern Petroleum habang una nang nagpatupad kaninang alas 12:01 ng hatinggabi ang kumpaniyang Flying V.
Ayon sa Department of Energy, ang rollback na ito ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng oil products sa international market.
By: Jaymark Dagala