Magpapatupad ng rollback ang ilang kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produktong petrolyo bukas, Hulyo 21.
Base sa abiso ng Pilipinas Shell, epektibo bukas ng alas-12:01 ng madaling araw, P0.50 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel, habang P0.20 naman sa bawat litro ng gasolina at kerosene.
Susundan ito ng Phoenix Petroleum at PTT alas-6:00 ng umaga bukas kung saan P0.50 ng itatapyas sa bawat litro ng diesel at P0.20 sentimo naman sa gasolina.
Ito na ang ika-limang serye ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo.
By Meann Tanbio