Ipinatupad na ng mga kumpaniya ng langis ang ikatlong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo
Sitenta (P0.70) sentimos ang ibabawas sa kada litro ng gasolina habang P0.65 naman ang rollback sa kada litro ng diesel at kerosene.
Una nang nagpatupad kaninang alas-12:01 ng madaling araw ang mga kumpaniyang Shell, Petron, Seaoil at Flying V maliban lamang sa Eastern Petroleum na sa gasolina at diesel lamang may bawas presyo.
Alas-6:00 naman ngayong umaga epektibo ang rollback ng mga kumpaniyang Total, Phoenix Petroleum at PTT Philippines ngunit para lamang sa gasolina at diesel.
By Jaymark Dagala