Ipatutupad na ng kumpanyang Clean Fuel ang rollback sa presyo ng kanilang mga ibinebentang diesel at gasolina simula mamayang alas-4:01 ng hapon.
Sa abiso ng Clean Fuel, nasa P0.60/litro ang tapyas sa presyo ng kanilang diesel habang P0.30 naman kada litro sa kanilang gasolina.
Una na ring nagpatupad ng kaparehong rollback sa presyo ng diesel at gasolina ang Phoenix Petroleum, alas-6 ng umaga kahapon, ika-8 ng Pebrero.
Inaasahan namang susunod na rin ang iba pang kumpanya ng langis kung saan maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang bawas presyo sa kanilang diesel, P0.30 hanggang apatnapung sentimo kada litro sa gasolina at piso at tatlumpu hanggang apatanapung sentimo kada litro naman sa kerosene.
Ito na ang ika-apat na sunod na nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.