Rollback o bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong unang linggo ng Setyembre.
Ito’y matapos ang ipinatupad na oil price hike ng mga kumpaniya ng langis sa tatlong magkakasunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), maglalaro sa P0.45 hanggang P0.55 ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel.
Tinatayang maglalaro naman sa P0.30 hanggang P0.40 ang ipatutupad na tapyas presyo sa kada litro ng kerosene.
Gayunman, sinabi ng DOE na posibleng wala namang magiging paggalaw sa presyo ng kada litro ng gasolina ang mga oil companies.
By Jaymark Dagala