Asahan na ang ipatutupad na rollback sa produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Unioil, posibleng pumalo sa P2.40 hanggang P2.60 ang ibaba sa kada litro ng Diesel habang nasa P.50 centavos hanggang P.60 naman ang itatapyas sa kada litro ng gasolina.
Posibleng maging epektibo ang oil price rollback sa araw ng Martes, January 10, 2023.