Inilarga na ng iba pang kumpanya ng langis ang rollback sa presyo ng kanilang mga produkto.
Unang nagpatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng bente singko sentimos (P0.25) na tapyas sa kada litro ng diesel habang kwarenta sentimos (P0.40) sa gasolina, epektibo alas-6:00 kahapon ng umaga.
Alas-12:01 kaninang hatinggabi naman ng Flying V at Seaoil ang trenta’y singko sentimos (P0.35) na rollback sa gasolina habang bente sentimos (P0.20) sa diesel at kerosene.
Sabay-sabay ding ipinatupad ng Eastern Petroleum, PTT, Petron, Shell at Jetti ang kahalintulad na bawas presyo, epektibo alas-6:00 kanina.
By Drew Nacino
Oil price rollback ipinatupad ng mga kumpanya ng langis was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882